THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

INANG KALIKASAN

Biyayang nagmumula sa kataasan
Ginawa ng Diyos para pakinabangan
Ibinigay satin ng may kasiyahan
Nagpapadali ng ating kabuhayan

Puno, bulaklak, mga manok at ibon
Bundok, karagatan, paru-paro’t dahon
Ito’y mga kalikasang tayo’y meron
Nanggaling lahat sa ating Panginoon

Anong nangyayari sa ‘ting kalikasan?
Ang dating hardin ay naging basurahan
Wala nang huli sa mga pangisdaan
Nasisira na ang mga kagubatan

Ating Diyos ay hindi na nasisiyahan
Umiiyak na si Inang Kalikasan
Ang basura ay kita kung saan-saan
Wala ka bang paki sa kinabukasan?

Sino nga ba ang dapat na ‘ting sisihin?
Tayo, tayong mga tao ang salarin
Halika na at mundo’y ating ayusin
Inang Kalikasan ating sasagipin.