Basura na nakikita kung saan, saan. Polusyon sa hangin, lupa at katubigan.
Ilan pa lamang ito sa mga problema na nararanasan natin sa ating kapaligiran at patuloy na lumalala pa. Wala ka bang pakialam sa iyong kinabukasan? Handa ka na bang pabutihin ang ating kapaligiran?
Sinisimulan na ng KILUS (Kababaihan Iisang Layunin Umunlad ang Sambayanan) Foundation, sa Barangay Ugong, Pasig ang pagsagip sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan lamang ng “pagreduce”, “pagreuse”, “pagrecylce”, at “pagsegregate,” natutulungan na nila ang ating kalikasan. Dito, napatunayan nila na may pera sa basura. Sa paggamit ng mga “tetra packs”, nakakagawa sila nga mga produkto tulad na lamang ng sapatos, damit, bayong, at iba pa. Sa pamamagitan nito, nababawasan na nila ang basura sa kanilang lugar.
Sa KILUS Foundation at La Mesa Eco Park, maraming matutunan ang mga tao. Ipinapakita dito na dapat ang mga tao ay mayroong “Proper Waste Management” sa kanilang sari-sariling mga lugar. Sinsabi rin dito na hindi dapat natin baliwalain ang basura dahil ito ay magagamit pa muli at mapapakinabangan pa ng mga tao.
Alam namin na ang bawat isa sa atin ay gustong magkaroon ng isang malinis, maayos at walang polusyon na komunidad. Ngunit ano a ng ginagawa natin upang mangyari ito? Kung ang inaasam natin ay isang magandang komunidad, bakit hindi tayo magsimula muna sa ating sarili? Dahil dito dapat nating isabuhay ang mga natutunan sa KILUS Foundation at La Mesa Eco Park. Tayo rin ay dapat maglinis ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagpulot ng kalat na ating nakikita at pagbubukod ng basura (nabubulok, di-nabubulok).
Ngayon, handa ka na bang magbago para sa iyong kinabukasan?